Lumang Tugtugin Lyrics

I


Kahit saan ka man

Ang awit ay naririnig

Sari-saring magugustuhan

Mga lumang at bagong himig

Ngunit isa lang ang aking gusto

Isa lamang ang napapansin

Masarap madaling kantahin

Ang lumang tugtugin



II

May awit para sa sayaw

May awit na puro sigaw

May tungkol sa buhay

Meron din ang naghihiwalay

Ngunit and madaling sabayan

Lalo na kung nagkakantahan

Simple lang at alam na natin

Ang lumang tugtugin



REFRAIN I

Pamulinawen

Madaling sabayan oo

Lumang tugtugin

Atin Cu pung singsing

Masarap pakinggan oo

Lumang tutugin

Leron-leron sinta

Madaling sabayan oo

Lumang tugtugin



III

Talagang masarap pakinggan

Lalo na kung nagkakantahan

Simple lang at alam na natin

Ang lumang tugtugin


IV

Kahit na dito sa atin

O kaya sa ibang bansa

Kahit na saan manggaling

Masarap malimutan

Mga lumang tugtugin



(REPEAT II)



REFRAIN II

Sitsiritsit alibangbang

Masarap pakinggan oo

Lumang tugtugin

Bahay Kubo

Madaling sabayan oo

Lumang tugtugin

Masarap pakinggan oo

Lumang tugtugin

Happy Birthday to you

Madaling sabayan oo

Lumang tugtugin

Balot, Penoy

Masarap pakinggan oo

Masarap kainin

Pen pen de sarapen

De kutsilyo de almasin

Haw haw de carabao batuten

Sipit namimilipit

Gintong pilak namumulaklak

Sa tabi ng dagat



CODA

Madaling sabayan oo

Lumang tugtugin

Mga kababayan ko

Masarap pakinggan oo

Sariling atin

Iba ang may pinagsamahan

Masarap pakinggan oo

Pag nag-iinuman

Sa Linggo na po

Sa Linggo na po

Sa Linggo na po sila...

No comments:

Post a Comment